<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d25063704\x26blogName\x3dDIPDEEP\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://dipdeep.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://dipdeep.blogspot.com/\x26vt\x3d-5927103753239834613', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

ABS-CBN on "Wilyonaryo" incident: "Wala kaming itinatago

Friday, September 07, 2007

Setyembre 4, lumabas si Willie Revillame sa kanyang programang Wowowee matapos ang kaniyang isang araw na bakasyon. Ipinaliwanag ng noontime host ang "design flaw" na nangyari sa "Wilyonaryo" segment noong August 20.

Ipinaliwanag ni Willie na mayroong "0" o zero sa lahat ng pagpipiliang wheels ng contestant, pati ang mga wheels na may laman na mga jackpot prizes na P2 million, P1 million, P500,000, at house and lot. Ang katuwiran ng host, dinisenyo raw ang wheels na ganito upang hindi agad makita ng contestant ang laman ng wheel habang tinatawaran pa ito. Dagdag pa niya na ito daw ang sinasabing "design flaw" dahil dapat daw ay isang numero na lang ang nakalagay.

Pahabol ni Willie, "Kasi ho umabot na po itong problema namin sa Senado. Kailangan na po namin mag-explain. In-explain ko na po ito ngayong araw na ito dahil ako po ang nakaharap sa inyo, mga kababayan. Pangalan ko, pagkatao ko, hindi po pupuwedeng mangyaring mandaya po ako at mandaya ang programang ito. Kahit sa panaginip po, hindi po. Lagi lang po ang hangad namin, mapasaya kayo."

Ilang oras matapos ang paglilinaw ni Willie sa Wowowee, nagpadala ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng ABS-CBN sa PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa naturang insidente:

"Minamahal at iginagalang naming lahat dito sa ABS-CBN ang aming mga manonood, kaya naman bukas kami sa anumang uri ng imbestigasyon na maaaring magsulong ng kanilang kapakanan.

"Wala kaming itinatago. Kami ay humingi na ng dispensa sa nagawa namin at ipinakita mismo sa telebisyon kung paano kami nagkamali.

"Ang mahalaga sa usaping ito ay ang katotohanan na hindi sinasadya ang naturang pagkakamali at wala kaming anumang intensyon na mandaya.

"Makakaasa kayo na dadalo kami sa anumang pagdinig kung saan kami ay maaanyayahan. Naniniwala kaming may kabutihan ding maidudulot ang mga ito at ang iba pang game shows ay maaaring may matutunan at makaiwas sa parehong pagkakamalli.

"Hinihiling namin na kami ay mabigyan ng pagkakataong ituon ang aming atensyon sa pagsakatuparan ng aming pangunahing layunin na pagandahin pa ang aming mga palabas at pag-ibayuhin ang aming serbisyo publiko.

"Batid ng ABS-CBN ang mas mahalagang pangangailangan ng ating kababayan at buo po ang aming loob na mabibigyang pansin ang mga ito. Umaasa rin kaming mahimok ang buong sambayanan na makilahok sa pagsulong ng parehong layunin."
Source: Candice Lim

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


The Singer in Me

It's me in ABS-CBN's Star in a Million

Dipdeep. A Travel Expert. Business Consultant. Vocal Coach. Singer. Member of "Voice of Cebu" and "Coro de Sta Cecilia". Former USC Chorister. Deeply Romantic yet, Comical.

Leave me a Note

Archives

Previous Posts

Love Links

Visitors

My Feeds

Locations of visitors to this page